Ang pagkain ay importante para manatili tayong healthy kaya nararapat lamang na ang pagkain ay ligtas kainin sa lahat ng oras. Narito ang ilang tips:
- Sanitize, Disinfect and Wash. Maghanda lamang ng pagkain sa isang malinis na lamesa o work area. Laging maghugas ng kamay bago, habang at pagkatapos maghanda ng pagkain. Hugasan ang mga sariwang pinamili bago ihanda o lutuin.
- Label and practice First In First out (FIFO). Ugaliing gamitin/kainin ang mga pagkain na unang binili o niluto. Lagyan ng label ang mga hilaw na karne kung ano ito at kelan ito binili bago itago sa freezer o kaya mga lutong ulam kapag maaga itong iniluto. Alamin din kung kelan ang expiry date ng iba’t-ibang produkto.
- DO NOT cross contaminate. Gumamit ng kaniya-kaniyang chopping board para sa hilaw na karne, manok, seafood, gulay at ready-to-eat na pagkain. Ihiwalay ang hilaw na pagkain sa lutong pagkain.
- Cook food at proper temperatures. Lutuin ang mga pagkain sa tama nilang temperature (Eggs at Ground Meat 160oF, Poultry 165oF, Meats 145oF).
- 4-hour rule. Ang nilutong pagkain ay kailangan kainin sa loob ng 4 hours kapag nasa tinatawag na temperature danger zone (5oC to 60oC). Kadalasan ito yung room temperature. Kapag ang pagkain ay exposed nang less than 2 hours, pwedeng pang itago sa ref o initin sa temperature na >60oC (140oF).